Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month, binigyang-pugay ng Lokal na Pamahalaan ng Lal-lo ang bawat kababaihan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang selebrasyon noong ika-25 ng Marso, taong 2014 na may temang, “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong.” Panauhing pandangal sina Population Commission Region 02 Director Angelito Obcena, Sta. Teresita Mayor Lolita Garcia, Sta. Ana Vice Mayor Pinky Rodriguez at Sangguniang Bayan Member ng Lasam Isabella Lozada.
Kasama sa mga dumalo ay ang mga miyembro ng women’s group, Rural Improvement Club (RIC), mga punong-guro ng ibat’ ibang paaralan sa munisipyo, mga punong barangay at iba pang opisyal ng barangay, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Population Officers, Day Care Workers, at Barangay Health Workers.

Ang nasabing okasyon, na pinangunahan ni Mayor Florante C. Pascual at ni Board Member Maria Olivia B. Pascual ay may tatlong bahagi. Ang una ay ang “Hataw Na!” na ginanap sa Lal-lo National High School Gymnasium, kung saan sabayang umindak ang lahat ng mga panauhin kabilang na ang mga grupo ng kababaihan mula pa sa mga bayan ng Sta. Teresita, Sta. Ana at Lasam. Nagkaroon din ng mga palaro tulad ng calamansi relay at sack race na lalo pang nagpatingkad sa pagdiriwang. Nagbahagi naman ng kani-kanyang mga mensahe ng inspirasyon sina SB Member Bella Lozada at Vice Mayor Pinky Rodriguez.
Ginanap ang ikalawang parte ng programa sa Aladino Dupaya Sr. Gymnasium. Inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng isang dalangin para sa mga kababaihan sa pangunguna ni Rev. Fr. Nathaniel Malana, kura paroko ng Parokya ni Sto. Domingo.
Sa mensaheng ibinigay ni Mayor Pascual, kanyang pinasalamatan ang mga natatanging babae sa kanyang buhay kabilang na ang kanyang ina na si Ginang Rosalinda Pascual, ang kanyang kabiyak na si BM Olive, ang kanyang mga anak na babae na sina Patricia, Abigail, Alanis at Coleen, at lahat ng kababaihan sa bayan ng Lal-lo.
Sa pagitan ng mga tagpo, nagpaunlak ng pagtatanghal ang mga piling estudyante ng Lal-lo National High School at ang RIC-Sta. Maria Chapter. Ipinapanood din sa madla ang isang audio-visual presentation na nagpapakita ng iba’t ibang mukha ng mga kababaihan.
Binigyan naman ni Director Obcena ng isang malalimang diskusyon ang napapanahong paksa ng Teenage Pregnancy. Ayon sa kanya, nakakapangamba ang mga datos kung saan dalawa (2) sa bawat limang (5) kababaihan edad 14-19 sa Rehiyon Dos ang nabubuntis. Binigyang-diin niya ang importansya ng pagkakaroon ng magandang relasyon ng magulang sa kanyang anak.
Nagbigay rin ng kanya-kanyang mensahe sina Mayor Lolit Garcia at BM Olive Pascual kung saan pareho nilang kinilala ang paghihirap ng mga kababaihan noon at ngayon upang ipaglaban ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.
Pinangunahan naman ni SB Member Jamaica Indira Israel, ang kaisa-isang babae sa konseho, ang Pledge of Commitment sa komunidad at sa bansa. Nagkaroon din ng paripahan kung saan namigay ng mga papremyo tulad ng payong, pera at cellphones mula kina Mayor Anteng, Vice Mayor Oliver, Mrs. Marivic Bungubung, Ms. Elizabeth Dupaya, at Globe Telecom.
Bilang pagwawakas ng selebrasyon, nagsalo-salo ang lahat ng mga panauhin sa isang masaganang tanghalian sa pamamagitan ng boodle fight.
...Rebecca Bautista...